(See More)

Couldn’t find a kalimba tab for a song? Submit a request.

KALIMBA AND QUARANTINE - (209 Views)

received_439458560483679-a61b22a3 KALIMBA AND QUARANTINE
0
(0)

Bago pa magsimula ang pandemya ay natuto na ako na tumgtog ng kalimba. Medyo hindi lang ako gaanong kainteresado kasi masyado ako busy sa pag-aaral. Pero nung nagkaroon ng pandemya, nagbalik-loob ako at sinubukan ulit tumugtog. Sa una masaya ako pero naramdaman ko na ang gamit ko na kalimba ay unti-unti ng nagkakaroon ng dead tines. Pagkatapos kong malaman na nagkaganoon nga ang kalimba ko tumigil ulit ako. Bawat ako wala na ako ginawa kundi manood na lang ng mga videos sa paborito kong kalimba player na si Ms. Sandrah Araja. Ipinakilala ng aking kaibigan ang All About Kalimba, sinabi niya na may mga giveaways din doon kaya.. sumali ako para makatugtog ulit. Lumipas ang isang buwan na naroon ako sa group na iyon ay nakakita ako ng giveaway agad akong sumali ngunit hindi ako pinalad. Dumating ang isang lalaki sa aking buhay, sinabi niya na wag akong sumuko kahit anong mangyari dahil lahat ng gusto ko ay makukuha ko rin.. kailangan ko lamang maghintay. Pagdating ng Disyembre (birthmonth ko rin) nagpagiveaway si Ate Anjelie ng kalimba, at hindi ko inaasahan na ako ang kanyang mapipili na manalo sa kanyang giveaway. Sumali rin ako sa pa-giveaways ni Ate Hanileee, nanalo rin ako ng kalimba stickers. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nung aking kaarawan ay binigyan ako ng boyfriend ko ng kalimba. Sobrang saya ko kasi lahat ng yon ay di ko inaasahan lagi ko lang iniisip na manalo matalo sasali at sasali pa rin ako sa mga giveaway. Nagpapasalamat ako sa All About Kalimba at sa mga bumubuo nito nang dahil sa kanila ay naging mas interesado na ako sa pagtugtog ng kalimba at mas minahal ko ang pagtugtog nito.

  • https://www.facebook.com/zylacyrille


PLAY A RANDOM SONG

How To Read The Tabs

SOLFEGE DO RE MI FA SO LA TI
Letter Notes C D E F G A B
Number Notes 1 2 3 4 5 6 7
-A dot above a musical note (ex: 1째 2째째) raises it to a higher octave.
-Notes inside a parentheses (ex: (135) ) are played together (slide/glissando)
-The tabs/notes posted on this site are designed to be played on kalimba, but you can also play it on other instruments like: piano ,flute, recorder, ocarina , glockenspiel, clarinet, xylophone, otamatone, and etc. Simply use our online kalimba tab converter to convert the tabs/notes to SOLFEGE (do re mi) or letter notation (C D E).
Subscribe
Notify of

0 Comments
Newest
Oldest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments