Pangarap ko, sana’y matupad niyo - (544 Views)

Una sa lahat, maraming salamat po sa oportunidad o pagkakataon na ibinigay niyo sa amin upang nakamtan ang mga pangarap naming kalimba.

 

 

 

Kalimba ang naging kasiyahan ko at nagpapatanggal na rin ng stress ko sa mga gawain. Dahil na rin sa kalimba ay mas napapalapit ako sa musika at ang pinakamasaya ay nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan na hindi ko inaasahang dadating sa aking buhay. Nadiskubre ko na may talento pala ako pagdating sa musika. Gustong gusto ko po talaga magkaroon ng branded na kalimba, matagal na kaso yung naipon kong pera ay ipapambili ko ng mas importanteng bagay na magagamit ko sa school. Pangarap ko talagang magkaroon nito lalong lalo na ng acrylic kalimba dahil wala pa ako non. Pero naniniwala naman ako na kahit mura lang ang kalimba mo ay nasasayo parin kung paano mo yun idadala or ipeplay. Ang ganda daw ng tunog ng acrylic kalimba eh, sabagay, yung mga napapanood at naririnig ko ay totoo nga naman, napakarelaxing ng tunog niya kaya gusto ko ring mahawakan at maplay ang acrylic kalimba. Kapag nagkaroon na ako ng acrylic kalimba, magiging masipag nakong matutunan ang mga ktabs, aaralin ko na rin ang pagbuo ng sarili kong tabs, magkacover na ako ng mga song sa kalimba at gagawa na rin ako ng sarili kong youtube channel. Higit sa lahat ay sa pamamagitan ng kalimba o anumang instrumento na alam ko ay ipapahiwatig ko sa lahat ang kabutihan ng Diyos sa ating buhay, na kahit na anong pagsubok ang ating harapin ay nandiyan parin siya at gumagabay sa atin. 

 

 

 

Ngayong pandemya, alam kong napakadami sa atin ang nahihirapan pero andito kayo para tumulong at magpasaya sa amin. Sana po ay wag kayong magsasawang ibahagi ang inyong mga biyayang natatanggap galing sa Diyos at sana po ay marami pa kayong mainspire na tao para ibahagi rin nila ang kanilang mga biyayang natatanggap sa kanilang kapwa. keep safe po and godbless you always!!❤️✨

(See More)
Couldn’t find a kalimba tab for a song? Click here to submit a request.
Recent requests: (See More)

Is kalimba your first instrument?

View Results

Loading ... Loading ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *