🔍Advanced Search

“Tanggap kita = Mahal Kita”

Views: 239 times, 1 view(s) today

Marami na akong kantang napakinggan especially ‘yong mga love songs. Halos araw-araw nga ata ay nakikinig ako ng mga love songs mula sa iba’t ibang artists mapa-local man or international. Isa ang Ben&Ben sa mga ina-admire ko pagdating sa OPM songs. Hanga ako sa kung paano sila magsulat ng mga kanta na para bang umiikot lagi para sa lahat. Matanda man o bata, babae o lalaki o LGBTQ+ community member, payat man o mataba, may jowa man o wala. Pinaparamdam nila na walang kahit anong dahilan para hindi magmahal at makaramdam ng pagmamahal na ine-express nila through all their songs. Pero kung tatanungin ako if meron man akong paborito sa ngayon, ‘yon ay ang “Di Ka Sayang”. Para sa karamihan, isa syang inspirational song na nakakapagbigay ng pag-asa sa lahat ng mga nakakaranas ng breakdown sa buhay. Pero para kasi sa akin, higit pa sya doon. Para sakin, isa syang kanta ng pagmamahal. ‘Yong mga salitang “Di Ka Sayang” at “Tanggap Kita” ay mga salitang nakapagpaparamdam ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagtanggap. Pagtanggap sa mga pagkukulang, pagtanggap sa mga imperfections, pagtanggap sa totoong pagkatao, pagtanggap sa lahat ng kasarian, pagtanggap sa mga samu’t-saring opinyon, pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng bawat isa. Para sa akin, ang PAGTANGGAP ay PAGMAMAHAL. Minsan nalulungkot ako sa di ko malamang dahilan. Minsan parang nafe-feel kong mag-isa ako kahit napapaligiran ako ng maraming tao. Parang lagi kong kailangang patunayan sa kanila yung sarili ko. Napapatanong nalang ako ng “May nagmamahal kaya sakin?”, “Kamahal-mahal kaya ‘ko?”. No’ng time na narinig ko yung “Di Ka Sayang”, tumatak sa isip ko na hindi naman pala ako nag-iisa, na hindi pala dapat ako manghinayang sa buhay ko, na may nakakaappreciate pala sa akin. Na-realize ko na minsan mas kailangan pala nating marinig yung salitang “Tanggap Kita” mula sa mga taong kaya tayong tanggapin ng buong puso at walang pag-aalinlangan. At doon natin makikita ang pagmamahal, sa pagtanggap. 



    PLAY A RANDOM SONG

    • Alivia Lanier Request Kalimba Tab: monsoon- tokio hotel Oct 8, 13:25
    • FEVER DOLL Request Kalimba Tab: We need STOMACH BOOK songs like FUKOUNA GIRL, PAPER DOLLS and CAVITY Oct 7, 17:55
    • Emma Request Kalimba Tab: Wow great I like it Oct 6, 18:35
    • Rayツ Request Kalimba Tab: 1.Yume no sekai he from Moomin 2. https://youtu.be/c0vmjpJk1eo?is=jET6jp_nrcAenRfb 3. Idk i just love this anime and this song, and I… Oct 6, 13:22
    • Moxy Request Kalimba Tab: Amazing! This is one of my favorite songs!!! But my favorite FAVORITE song is “People Eater” that you you should… Sep 30, 01:45

    (See More)

    Couldn’t find a kalimba tab for a song? Submit a request.

    How To Read The Tabs

    SOLFEGE DO RE MI FA SO LA TI
    Letter Notes C D E F G A B
    Number Notes 1 2 3 4 5 6 7
    -A dot above a musical note (ex: 1° 2°°) raises it to a higher octave.
    -Notes inside a parentheses (ex: (135) ) are played together (slide/glissando)
    -The tabs/notes posted on this site are designed to be played on kalimba, but you can also play it on other instruments like: piano ,flute, recorder, ocarina , glockenspiel, clarinet, xylophone, otamatone, and etc. Simply use our online kalimba tab converter to convert the tabs/notes to SOLFEGE (do re mi) or letter notation (C D E).

    2 thoughts on ““Tanggap kita = Mahal Kita””

    1. My favorite song, how did you know. This is our theme song, and im just thankful and grateful that I met someone who trully love me for who I am and what I am.

      “I remember so when the day that u came into my life you ask for my name u had the most beautiful smile”

      His smile is my calmless place

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *